May 28, 2011

Kailan Muli ang Minsan?

Minsan lang ako magmahal
Pero ang minsan kailan kaya masusundan?
Gaano ba kadalas ang minsan?
Gaano katagal bago masundan muli?

Bakit kung minsan kung magmahal ka ay yun pang hindi ka mahal?
Bakit minsan may dumarating ngunit hindi mo naman mahal?
Sino ang pipiliin mo? Ang mahal mo ngunit hindi ka mahal?
O ang mahal ka ngunit hindi mo naman mahal?

Kung pipiliin mo ang mahal ngunit hindi ka mahal, pipiliin ka rin ba nya?
Kung pipiliin mo naman ang nagmamahal sayo, mamahalin mo ba sya?
Pwede bang hindi nalang mamili?
Pwede bang ang minsan ay hindi na hintayin?

Kailan ba darating ang minsan na mahal mo at mahal ka rin nya?
Kailan ba darating ang minsan na tangap ka at tatangapin mo rin?
Kailan ba darating ang minsan na IKAW na?
Kailan ba darating ang minsan na TAYO na?

No comments:

Post a Comment