January 15, 2008

Sulyap

Araw-araw kitang nakikita
Palagi ka sa aking alaala
Mga nakaw na sulyap
Sa iyo’y naiilap


Tanging hiling sa Maykapal
Magparamdam aking mahal
Pagkat pag-ibig ko’y tunay
Puso ko’y hindi masuway


Nais ipakita ang saya
Ngunit ako ay nangangamba
Sa akin’y umiwas
Lihim ko’y magwakas